Food for Hungry Minds
The Hungry Minds StoryStudent ResultsCorporate SponsorsIndividual SponsorsSchool ResourcesContact Us
  Hungry Minds' Story
The Children's Stories
The Families’ Stories
Board of Directors FHM Values
FHM Structure

 

 

Habang May Buhay May Pag-asa

Ni Roseanne V. Guinto

Simula pagkabata hirap na hirap na ako
Nangungulila sa pagmamahal ng isang ama na tulad mo
Minsan iniisip ko, kung paano ba mabuhay
Na walang kumakalinga sa isang tulad ko
Na tulad ng isang dahon, sumasabay sa ihip ng hangin at agos ng buhay.

Kahit mayroon akong ina, nakikita ko malungkot na rin siya
Pero pinipilit ngumiti kahit alam mong mahirap na
Hiwa-hiwalay na kami ngunit pinipilit mabuong muli
Hindi ko alam kung anong gagawin, kung pati sila ay mawawala sa akin.

Kahit anong pagsubok ang dumating,
Kahit anong unos ay papasanin
Kahit anong hirap kakayanin
Kung magtutulong-tulong ang pamilya namin.

Dahil sa isang tao, nabigyan ng kulay
Ang buhay ko
At naisip ko paano ko
Tutulungan ang aking pamilya kung isa ako sa mga nagdurusa.
Sinubukan kayanin ang lahat
Dahil naniniwala kami
Na habang may buhay may pag-asa.

To see this poem in English click here.